child-labor-india88_261
Habang naglalakad ako para humanap ng pagkain.  Biglang may isang batang lumapit sakin para manghingi ng pera. Minsan iniisip ko nasaan kaya ung mga  magulang nito.  Minsan gusto ko na rin paniwalaan ung sabi-sabi na pinapalimos lang yan ng magulang nila para may maipangsugal.  Anak ng… Pero mas nauna ung awa ko para sa bata.  Kaya binigyan ko na lang ng pera.. sabay tanong sa sarili,  Tama ba yung ginawa ko?  Ano sa tingin niyo?
Minsan pumapasok na lang sa isip ko kasalanan ba talaga ng pamahalaan kung bakit madami ang mahirap sa mundo? O kasalanan ng ibang tao kasi di sila natutong mag family planning,, gumamit ng condom,, at mag pigil at magpigil (self control) . Kayo tanungin niyo ngayon ang sarili ninyo.  Masasabi niyo ba kung sino ang may kasalanan?  Marami nagsasabi na ang kabataan daw ang pag-asa ng bayan , pero sa panahon ngayon hindi na ata. Kung mapapansin niyo sa mga diyaryo magugulat kayo sa mga headlines… kasi puro kabataan ang bida.Malapit na nga silang mauna sa mga corrupt government officials natin ehh.. kaawa awang mga nilalang.. unti-unti silang nilamon ng lipunang kanilang ginagalawan.. dumadami ang holdaper,drug addic,mamamatay tao,drug pusher,user at runner dahil sa mga maling desisyon ng mga magulang.  Tsk..Tsk.. Dumadami na rin ngayon ung mga child labor. Sa hirap nga lang ba ng buhay o sa kung ano na lang ang maisipan?  Kahit san ka tumingin. Makikita no sila may hawak na alak , sigarilyo , solvent.. masuwerte ka kung hindi ka pa nakakita ng mga batang may hawak na marijuana.
Marijuana nakakaita na ko ng ganito sa mismong pinsan ko.. kaya minsan napapansin ko na lang na high na high na siya(pero di ako gumagamit nun ahh..) Siguro di na kaya pigilin ng magulang.
Wala naman din akong magagawa dun kasi.. pinsan lang ako. Kung ang mismong magulang nga walang nagawa ako pa kaya.  Hinihiling ko na lang minsan na magising na sa katotohanan ang lahat ng kabataan. Kabataang biktima ng maling paniniwala at kuryosidad.
GISING KABATAAN… WAG NATING HAYAAN NA UNTI-UNTI TAYONG MASIRA NG ATING LIPUNAN NA KINAKAIN ANG KAISIPAN NG BAWAT MAHIHIRAP NA MAMAMAYAN..
–end–
tinatamad pa ko mag-isip nito..