Friday, October 8, 2010

Deyli Layf Ekspiryens : Salamat mam. Salamat sir!

World Teachers Day nga pala ngayon di ko man lang alam. Kung hindi pa dahil sa kaklase kong  sumigaw nang Happy Teachers Day di ko malalaman na may importanteng araw na ipinagdiriwang ngayon. Ang Teachers day. Napasalamatan niyo na ba yung mga teacher niyo? Di pa rin siguro. Ako? Hindi rin. Hindi ko lang maramdaman na kailangan pang bumati. Kuntento na ko na napakinggan ko ang mga lecture nila. Kuntento na ko sa pag gawa ng assignments,pag pasa ng late na projects , pagsagot sa ibang mga tanong na di ko naman naalalang itinuro nila kahit kailan at pagbibigay na magandang resulta sa exam. 

Di na ko magpapaligoy ligoy pa. Gusto ko langmagpasalamat sa mga naging guro ko hanggang ngayon. Mga gurong nagtiyaga,nangutiya,nagturo ng magandang asal, nagbigay nang sandamakmak na assignment, nagbigay ng surprise quiz, nagbigay ng waffer, pumilit sakin para sumayaw , nambato ng pambura , chalk , sapatos  at isa pang sapatos. Mga gurong nagbigay ng iba't ibang inspirational stories,ghost stories, kwentong barbero at samu't saring kwento na hindi naman natin alam kung san pinagkukuha. Sa mga teacher na nagtour sa akin sa guidance office, sa mga teacher na nagpasulat sakin ng I PROMISE TO BRING MY P.E UNIFORM ng 300 beses at pinasulat pa ulit. Sa mga teacher na naningil ng sobra para sa xerox copy. Sa mga teacher na nagpabenta ng raffle ticket (na di ko alam kung may tumatama ba) . Eto na ang listahan ng mga naging teachers ko. Walang pakialamanan kanya kanyang trip lang yan.

GRADE 1 - salamat sa teacher kong namimigay ng waffer sa tuwing makakaperfect sa periodical exam.
GRADE 2 - salamat sa teacher kong nagpatayo sa amin ng pinsan ko sa labas ng room namin.
GRADE 3 - salamat sa mabait kong teacher. (taga samin lang to ee)
GRADE 4 - salamat sa teacher kong walang sawang dumakdak para sermonan kami araw araw (note 10 mins.a day yan)
GRADE 5 - salamat sa teacher ko sa math (dahil sa kanya kahit papano nagkainteres ako sa subject na mathematics) salamat sa kwento niyang ang mahiwagang balon.
GRADE 6 - salamat sa teacher kong nagpagraduate sakin sa elementarya.

First year H.S - salamat sa teacher kong nagtanong kung ilang taon na ko. siguro kung di niya ginawa yun naguguluhan pa rin ang mga kaklase ko noon sa tunay kon edad.

Second year H.S - salamat kay mam na maganda na nagbigay ng inspirasyon sa mga kalalakihan sa classroom.

Third year H.S - salamat sa teacher kong tinuruan ang mababet kong kaklase para magmura. Salamat sa kanya sa pagsingil ng P150 pra sa isang stick ng pork bbq, isang  15 hibala ng spaghetti at kakapiranggot na kanin. Salamat nabusog kami.

Fourth year H.S
-salamat sa teacher sa math na  nagpahintulot samin para makapagsalita ng bullshit!
-salamat sa teacher sa pilipino na malabo ang mata kaya hindi niya madalas makita yung mga nangongopya.
-salamat sa teacher sa english na nagturo sakin kung pano pumasok para magbasa, lumabas, magtambay at matulog sa loob ng school library.
-salamat sa adviser ko sa A.P na kahit madalas siyang galit samin ay  hindi niya hinayaang mawalan kami ng xmas party.
- salamat sa teacher namin sa values dahil nalaman ng iba naming kaklase kung anu ang blah. blah. blah. (censored)
-salamat sa teacher namin sa physics na madalas absent. Sa pumalit sa teacher namin sa physics. (yes! inspirasyon ulit) sa isa pang nagsub na tumagal rin ng mga ilang buwan. 
-salamat sa teacher sa mapeh na tumanggap ng mga late projects. 
-salamat sa teacher ko sa tle na walang ginawa kundi magturo ng drafting , welding at kung anu ano pang magic tricks sa bakal.

Salamat sa lahat ng naituro nila.
Presto! Double purpose ang note na to. Nakapagpasalamat na ako nakapanglait pa ako ng mga teachers. 
Masaya talaga ang teachers day laging walang klase. Ewan ko lang sa inyo.
Ilan kaya ang kinikita ng mga taong nagtitinda ng rosas tuwing teachers day, friendship day at valentine's day?

Deyli Layf Ekspiryens: iskul

Matapos ang klase. Pumunta ng SM jologs. Pumunta sa National bookstore. Pumunta sa Booksale. Ang dahilan para maghanap ng librong kakaiba. Maraming librong kakaiba ang problema nga lang walang pera. Umalis ng walang nabiling kahit ano. Pagkatapos pumunta sa eskwelahan ko noong hayskul. Badtrip. Ang init. Maalikabok. Nakapanlilimahid.

Mula sa Gate. Sumilip ako pansamantala sa Quadrangle. Ganun na ganun pa rin ang itsura , walang masyadong taong gumagala sa oras ng alas 5 ng hapon , maliban na lang sa mga estudyanteng  pumasok lamang para mag cutting classes. Ganun pa rin ang mukha ng mga guwardiya  di mo maintindihan kung adik o may kung anung ispiritu ang pumasok sa katawan nila, nagkaroon ng mga puting buhok.  Mayron ding  mga konting guwardiyang bago lang sa paningin ko. Ang mga tindero't tindera ganun at ganun pa rin ang mga itsura, sa tatlong taong nagdaan walang nabago ( kahit sa mga paninda nila). Medyo natuwa ako sa nakita ko wala na masyadong kalat sa labas ng dating eskwelahan ko. Paano naman kaya sa loob? Sayang lang di ko nagawang makapasok, mas pinili ko kasing magbasa na lang habang umiinom ng sopdrinks na di ko alam kong gaano kakapal ang mikrobyong naihalo sa pamamagitan ng yelo. Magbasa habang pinapalipas ang oras. Magbasa habang pinagmamasdan ang mga kilos ng maga kahinahinalang tao sa paligid. Walang kwenta natapos ko lang ang ilang pahina ng libro ni Sophie Kinsella. 

Tinatamad na ko. Oras na para umuwi. Tumawid ng overpass. Naghanap ng magandang babae , pero walang nahanap. Tumayo nang sampung minuto bago sumakay ng isang pampasaherong dyip. As usual tahimik ang loko, nakamukmok sa tabi na parang basang sisiw. Umaalingasaw ang nakakabanas na amoy ng sigarilyo. Anak ng kamoteng kahoy, No Smoking! Bakit amoy sigarilyo? Tumingin ako sa mga pasahero , wala sa kanila ang salarin. Ibig sabihin si manong drayber ang salarin , amputcha! kilala ko pa ang loko. Hindi ko na pinairal yung ugali kong mansita . Baka mapahiya lang ako. Baka mapahiya lang siya.
Salamat naman at malapit na rin ako sa aking destinasyon. "Para po!" sigaw ko. Natakasan ko na pansamantala ang maduming kalsada , mabahong amoy ng sigarilyo at mabahong amoy ng lalaking katabi ko. Isa na namang kapakipakinabang na araw ang nangyari. Pero hindi sa isang taong tulad ko.

Di kumpleto ang araw ko lalo na kung walang kakaibang mga nangyayari sa paligid ko. Halimbawa na lang ng. Bastos, Ginulpi ng taong bayan o kaya naman Lalakeng nasagasaan himalang nabuhay, sasakyan basag ang windshield.

Shet Ampaet: Past

Bwisit! nakakabanas ba talaga pag naaalala mo yung nakaraan? Yung nakaraan na kasama mo pa yung dati mong kaibigan, yung dati mong kalaro, yung dati mong asawa at yung dati mong syota? Hindi naman siguro. Maliban na lang kung bitter ka. Hindi naman mahirap kumalimot sa nakaraan pero bakit di mo to makalimutan. Ah alam ko na siguro pinanghahawakan mo pa rin yung mga bagay na sinabi niya sa'yo , nasa'yo pa rin siguro yung wedding ring niyo , nasa'yo pa rin siguro yung teddy bear na binigay ng ex mo. Masarap. Masaya. Malungkot. Yan lang naman  siguro yung mga bagay na nararamdaman mo pag bigla mong naalala yung nakaraan. Kung sinasabi mong walang masaya sa nakaraan, mali ka. Kung may time machine siguro na magbabalik sa'yo sa nakaraan magpustahan tayo 99 na porsyento nasa pag sang ayon ang sagot mo. 

Oo, ang sagot ko sa tanong ko. Nababanas ako. Lalo na pag naaalala ko yung mga panahong kasama ko pa yung tinatawag kong mahal . Yung taong pinagkatiwalaan ko. Yung taong pinag aksayahan ko ng panahon. Yung babaeng sinabi na sino yun? Di ko kilala yun. Nakakainis diba? Lalo na pag nakita mo yung parte ng nakaraan mo na may kasamang iba. Siguro mapapahulong ka ng Amputcha! mas maayos pa ko tingnan dun ah. Yun ba ang pinagpalit niya sakin? Minsan tatawa ka pa sabay sabi sa sarili mo "shet! di sila bagay." pero deep inside nasasaktan ka. Aminin mo na. Tayo tayo lang naman e. Ang saya diba? Well, ganyan ang buhay. Swertehan lang.

Move on na! yan ang laging sinasabi ng mga kaibigan ko. Pasensya po wala po sa bokabularyo ko ang salitang Move on. Pero bura siguro meron. Kung nakukulitan sila sakin wala akong magagawa. Makulit din naman sila e. Bakit nila ko pipilitin sa bagay na di ko kayang gawin? Siguro pag kumain sila ng bubog sa sang ayon ako sa gusto nilang mangyari. Sabi nga ni Papa Jack sa isang caller "Kung naaalala ng kasintahan mo ang nakaraan niya  wala kang magagawa dun. Dahil nakaraan niya yun e. Di niya ginustong maalala yun." Tama nga naman. Sino ba naman ang gustong alalahanin ang mapait na nagdaan? Wala. Siguro gugustuhin mo lang balikan kung bibigyan ka ng pagkakataon e yung masasayang sandali. Napag aralan mo na yung mali mo e. Bakit ka pa babalik? Para pag aralan uli?

Parang pag aaral kung natapos ka na ng elementarya bakit babalik ka pa natutunan mo na ang madadaling problema panahon na para sa panibago. Ang gulo ko talaga. (o wag kayo mag salita na bitter ako! Alam ko na yon.)  
Madami talagang naibibigay ang nakaraan. Isa na rito ang masasabi kong Aral. Aral para hindi na magkamali sa mga susunod na hakbang. Hakbang para magsimula ng bagong buhay,relasyon at pamilya.

"English ang pamagat ngunit tagalog ang nakasulat"

Shet Ampaet !!!: Mga iba't-ibang kwento ng bitter na relationship

1 day relationship. Naranasan mo na ba yan? Ako  , oo  , maraming beses na. Masaya, nakakatawa pero ang pinakanakakainis ay yung tipong nagmukha kang tanga.  Tanga ,dahil napaniwala ka. Kung di mo pa to nararanasan maswerte ka .  Sa puntong to para ka naring umasa. Sabihin na natin na umasa ka talaga. Umasa ko. Bibigyan kita ng tip kung saan mo makikita yung mga taong mahilig mang onse o sabihin na nating MAKIPAGLARO. Makikita sila sa ym, sa tagged , sa facebook , sa friendster (may gumagamit pa ba ng friendster ngayon?) sa kapitbahay , sa newspaper adds, sa radyo at sa iba pang lugar na naiisip niyo. Nagsisimula lang yan sa simpleng palitan ng text messages, palitan ng nakakadiring I LOVE YOU, at palitan ng nakakadiring mwah. Nasobrahan na siguro yung gumagawa nito sa paet. Shet.

Masaya sa umpisa , masarap sa pakiramdam lalo na kung hindi mo alam na niloloko ka lang o naglolokohan lang kayo. Woo! Swabe! ang lakas na naman ng amats ko para magtype ng kung anu-ano. "Darwin gawin mo na yung computation ng payroll natin, bahala ka jan sa defense" bwisit pati boses ng kagrupo ko sinusundan ako hanggang dito. Maswerte ka kung umabot ka ng mahigit 24 na oras. Ibig sabihin lumampas ka sa pagsubok  kailangan mo na lang mag antay ng isang linggo, isang buwan, isang taon o isang pang habang buhay na relasyon. "Yan ang tanga mo kasi e' katxtm8 mo lang pala hah' nakakalokong kantiyaw ng wala kong kwentang kaklase. Nilaglag ako ng kaibigan ko. "Sana di ko na binigay yung number nun." nabuking tuloy ako. Kapal kasi ng mukha kong magloko ee. Akala mo gwapo mukha namang gago. Ayan ang napapala mo. Karma agad. Pero  shet Once in a life time lang yun bat mo pinakawalan? Madalas mong tinatanong yan pag naaalala mo kung bakit kayo nag hiwalay ng dati mong kasintahan. Bitter ka kasi.

Bakit hindi mo subukang kumain ng asukal? Para tumamis naman yang buhay mo nang hindi ka nagsisimangot diyan. 
Marami din akong natutunan habang tinatype ko ang notes na to. Pwede mong gawing bold ang ibang letters. Presto! Parang microsoft Word.  At pwede mo rin pahabain ang notes sa pamamgitan ng pagpapaligoy ligoy ng usapan na BITTER AKO, TAENA. paki mo?

At ang pinakamahalaga kong natutunan. "Wag ka basta basta magtitiwala kahit kanino kasi maaring sila ang maglabas ng itinatago mong alas."