Sunday, July 10, 2011

Adik sa facebook : Isang Rebyu

 
Nitong kamakailan lang ay may isang librong bigla na lang bumulaga sa atensyon ko , eto ang Adik sa Facebook na isinulat ni William Rodriguez III. Sa pabalat pa lang ng libro makikita mo na kung gaano inobserbahan ng naturang manunulat ang kaadikan ng bawat pilipino sa naturang social networking site , hinimay himay ang bawat parte ng facebook para makapagbigay aral, babala at magbigay kaalaman sa mga walang nalalaman. Sa librong ito pinakita ni  William Rodriguez III ang isa sa kahalagahan ng facebook sa pang araw - araw na pamumuhay: para sa komunikasyon, pagkakaibigan at gamit sa paghahanapbuhay. Napabatid sa nasabing libro kung paano nagamit ng facebook ang pilipino (At ng iba pang lahi) at kung paano siya ginamit nito. Isang malupet na tagay kay William Rodriguez III!!!