“Hon, yung number three naman.” Hingal na hingal ang babaeng
pinagmumulan ng pakiusap.
“Page
3, o number tri?” tanong ng lalaking pawis na pawis sa ginagawang pagbayo.
Sa
kabilang banda ay napapangiti lang si Arthur sa pagkaaliw nang marinig niya ang
usapan ng mga among nasa loob ng kwarto’t nagpapakasasa sa sarap ng bawat
pagkakataong ginagawa. Nang banggitin pa lang ng amo nito ang number three ay
awtomatiko niya nang alam na ang librong Kama Sutra ang tinutukoy ng mga ito.
“Malilibog
talaga itong si Sir at Mam. Nagseseks na naman.” Ngiting asong sambit niya
habang pinapakinggan ang awit ng libog at pagnanasa.
Alam ni
Arthur na ang number three ay hindi talaga number three pagdatin sa seks. Ang
number three kasi ay 69, hindi rin ito ang sagot kapag ima-minus mo ang 6 sa 9.
Ang 69 ay isang mainit na kainan. Kumbaga sa bingo, baligtaran ang sinisigaw ng
taga-bola. Sa libro ng Kama Sutra, kainan ito sa pagitan ng babae at lalaki.
Kainan ng titi at puki. Nalaman iyon ni Arthur dahil ilang ulit na rin niyang
nakita ang libro. Wala noon ang mga amo niya nang makita niyang nakatiwangwang
ang libro sa sahig. Ilang beses niya pa uling nakita ang nasabing libro.
Itinataon niya kasi palaging wala ang mga amo. Alam niya kung anong araw at
oras umaalis at bumabalik ang mga ito. Matagal na kasi siyang bantay rito.
Malakas
na ungol ng lalaki ang naginghudyat ng katapusan ng pagtatalik na naririnig ni
Arthur.
Ang
bilis namang matapos ni sir, sa isip – isip pa niya. Pagkatapos noon ay lumabas
na ang dalawang amo nito sa kwarto. Suot na muli ang mga damit. Linggo ngayon
kaya naman sigurado siyang aalis na naman ito sa bahay na pinangalanan niya
nang House no. 34.
Siya si
Arthur na may gusto kay Agatha ang muli na namang maiiwan sa House no. 34.
Sisilip – silipin niyang muli ang minamahal na si Agatha sa maliit na butas ng
gate. Mamahalin niya itong muli pati na rin ang House no. 35 kung saan ito
nakatira. Ang totoo niyan ay matagal niya nang minamahal si Agatha. Matagal
niya na rin itong sinasamba. Araw – araw sa tuwing sumisilip siya sa maliit na
butas ng gate ay hinihiling niya na sana ay pansinin naman siya nito. Iyong
kahit tingnan lang siya, katulad ng ginagawa ng mahal na Agatha niya sa iba.
Mahal niyang tunay si Agatha at wala nang kahit ano pang paliwanag ang
nararapat. At paminsan – minsan iniisip niyang sabay silang umiibig at hindi
mapakali, iniisip iyon ni Arthur. Bawat araw at sa bawat gabing hindi niya ito
nasisilip sa butas ng gate. Ngunit ang nakakalungkot nga lang, ang katotohanan
na ang pagnanasa at pagmamahal pala niyang iyon ang papatay sa minamahal.
Isang
mahabang na busina ng motorsiklo ang nagpabalik kay Arthur sa ulirat. Tumigil
na siya sa pagsilip sa butas ng gate nang marinig niya ang mahabang busina at
pagsigok – sigok ng motorsiklo. Nariyan na ang amo ni Agatha. Hindi niya na
naman makikita ang minamahal na si Agatha sa House no. 35 dahil kakailanganin
na naman ito ng amo. Isang mahabang busina pa ang pinakawalan ng motor bago
niya maalala ang dahilan ng pagkakakilala niya kay Agatha.
“Takbo! May motor sa likuran mo!”
Bago pa man mahagip ang katawan
ni Arthur ng motor ay mabilis na siyang nakatalon at nakalayo sa kalsda.
Nagpasalamat siya sa tinig na hindi niya pa alam kung kanino nagmumula.Pagkatapos
ay hinanap niya iyon at natagpuan niya ang sariling nasa harap na ng House no. 35.
“Salamat sa sigaw mo, ha?
Nakaligtas ako dahil sa’yo.”
Doon
niya natagpuan si Agatha. Ang mahal niyang si Agatha na hindi man lang pinansin
ang pagpapasalamat niya. Agad itong lumayo nang makita siya sa harapan ng gate.
Ngunit sa kabila noon ay minahal niya pa rin si Agatha. Dahil utang niya rito
ang buhay niya.
Wala na naman siyang
pagkakaabalahan dahil wala na ang mga malilibog na amo niya. Wala na ang
kinawiwilihan niyang pakinggan araw – araw. Pumasok na rin naman sa loob ng
House no. 35 si Agatha. Kaya pumasok na rin siya sa loob ng House no. 34. Sa
pagpasok niya sa kwartong pinangyarihan ng seks ng mga amo ay nakita niya sa
lapag ang mga nagkalat na ebidensiya. Condom sa sahig. Bra. Brief. Shorts at
mga damit. Doon lang napansin ni Arthur na nagpalit lang pala ng damit ang mga
amo niya. Sa paglakad – lakad pa sa kwarto ay nakita niya ang isang
pinakamatibay na ebidensiyang nagpakasasa nga sa laman ang mga amo. Patak ng
tamod sa sahig. Inamoy niya. Amoy Zonrox ang putangna. At nagulat pa siya na
ilang hakbang lang ang layo mula sa tamod
ay may mga nagkalat na kumpol ng kulot na buhok.
Kulot? Wala namang kulot kina Sir
at Mam. Naisip pa niya. Pagkatapos ay nakita niya ang isang bagay na ginamit ng
mga amo niya kanina. Ang librong Kama Sutra. Muli na namang pumasok sa isip ni
Arthur ang minamahal niyang si Agatha. Isinara niya kaagad ang libro. Hindi
naman sa sawa na siya rito ngunit wala siya sa mood ngayon para tingnan ang
Kama Sutra. Nilibot niya pa ang paningin sa kabuuan ng kwarto. Nakakita siya ng
dalawang babasahin na bago lang sa kaniyang paningin. Fuck The Summer ang
pamagat. Sa cover ay may isang lalaking nasa middle age at babaeng maliit na
mukhang mas bata rito ng sampung taon. Nangingiti – ngiti niyang binuklat ang
libro. Naaliw siya sa pagbabasa hanggang sa humantong siya sa pahina kung saan
subo-subo ng babae ang ari ng lalaking napag-alaman niyang tiyuhin pala nito
mula Amerika. Nag-init pa ng husto ang katawan niya nang makita ang mga susunod
na pahina. Sa mga sandaling iyon, naisip ni Arthur na mangyari sana ang ganoon
sa kanila ni Agatha. Hindi pagmamahal lang. Gusto niya rin ng seks na ganoon
katindi kahit napakaimposibleng mangyari.
“Arthur,
nandito na kami.” Ang bati ng amo niyang lalaking kakarating pa lang. Hindi
niya ito pinansin. Huling pumasok sa House no. 34 ang babae. Gabi na nang
dumating ang kaniyang mga amo kaya nagtataka siya kung saan nagpunta ang
dalawa. Pero hindi naman niya kayang tanungin ang mga ito, taga-bantay lang
siya at palaging walang karapatan ang taga-bantay para magtanong.
Sa kwartong pinagmulan niya kanina ay muling
pumasok ang dalawa. Ilang minuto lang ang lumipas ay nakarinig na si Arthur
nang mga pigil na paghinga. Napangiti na naman siya. Simula na naman kasi ang
palabas na kinaaaliwan niya. Ang mga mahinang paghinga ay napalitan ng mahinang
kalabog at pag-untog. Dahil sa katahimikan ng gabi ay mas malinaw na naririnig
ni Arthur ang lahat. Ang mabibilis na paghakbang. Ang pag-click ng switch ng
ilaw. Ang pagbukas ng gripo. Pagpatak ng tubig. Tunog ng mga nag-aalab na
halik. Ang musika ng mga patinig na nililikha ng kaniyang mga amo. Pagkatapos
ng mga sunod – sunod na pagkamatay ng gripo at mga tinig ay narinig niya ang
mabibilis na paghakbang ng mga paa na para bang ang mga pagdikit ng mga iyon sa
sahig ay lumilikha ng nakakahalinang tinig sa kaniyang pandinig. Malinaw niyang
narinig ang muling pagbuklat ng libro. Kama Sutra, sa isip – isip ni Arthur na
para bang iyon lang ang pinakaimportanteng libro sa buong mundo. Muli na namang
pumasok sa isip niya si Agatha.
Sa pagpapatuloy ng mga tunog ay
narinig niya ang isang pamilyar na tunog ng pagkapunit ng plastic. Condom, sa
isip – isip niya. At napangiti na naman siya sa pag-iisip na ang mga amo niya’y
pinoproblema ang ligtas na paraan ng pakikipagtalik. Samantalang siya, hindi
niya iyon kahit kailan pagdadaanan.
“Teach Me Master. Bagong bili kong
manga, honey. Ito na muna ang gamitin natin ha.” Mahina lang ang pagkakasambit
ng lalaki ngunit malinaw iyong naririnig ni Arthur. Sumablay siya sa unang
pagkakataon. Hindi Kama Sutra ang libro na gagamitin nila kaya nawala siya ng
gana na ipagpatuloy pa ang palabas. Hindi niya rin naman kasi alam kung tungkol
saan ang Teach Me Master na binanggit ng amo niya. Ayaw niya ring mag-imahe
nang wala siyang kaide-ideya kung ano ang dapat isipin.
“Role-playing muna tayo ngayon, honey.
Gayahin na lang natin dito sa manga na nabili ko.”
Iyon na ang huling salita na
narinig ni Arthur bago siya umalis ng House no. 34. Hindi na siya mapakali nang
labasin niya ang pinto ng bahay. Gusto niyang silipin ang butas sa gate para
muling tingnan si Agatha. Gusto niya itong isipin buong magdamag. Gagawin niya
ang lahat – lahat para lang mapatunayang mahal niya ito.
Kaya naman nang matabihan ni Arthur
ang butas sa gate ay hindi niya na napigil pa ang sarili. Marahan at buong
pagmamahal niyang sinuyod ng paningin ang labas ng pinto ng House no. 35.
Umaasa siyang naroon pa rin ang minamahal at gising. Ngunit wala. Wala roon ang
Agatha na kaniyang sinasamba. Ang tanging naroon lang ay ang malamlam na
liwanag ng ilaw na paminsan – minsa’y kumikindat. Kinutuban na siya nang mga
oras na iyon. Totoo nga siguro ang usap – usapan na ang minamahal niyang si
Agatha ay marami nang beses na nakasta ng iba. Kalat na iyon, matagal na, pero
dahil mahal niya si Agatha ay hindi agad siya naniwala. Hindi siya maniniwala
hangga’t wala siyang nakikita. Kung saang House no. nagsimula ang balita ay
hindi niya na alam. Hindi nga rin alam ni Arthur kung ilan ba talaga ang bilang
ng mga bahay sa kanila. Hanggang House no. 50 pa lang ang alam niya dahil iyon
pa lang ang numerong kaya niyang bilangin sa kasalukuyan.
Desidido na si Arthur nang mga oras
na iyon. Lalabasin niya ang gate ng House no. 34 at hahanapin si Agatha sa
kalagitnaan ng gabi. Matagal na siyang naglalakad – lakad nang makita niya ang
minamahal ilang metro lang ang layo sa bahay na kaniyang pinagmulan. Nag-iisa
lang ito kaya naisip niya na sa wakas ay napatunayan niyang hindi totoo ang
balitang nagpapakasta ito kahit kanino. Mabilis ang ginawa niyang pagtakbo. Pabilis
na pabilis ang tibok ng puso niya.
“Ito na ang tamang oras para
patunayan kay Agatha kung gaano ko siya kamahal” ang nasabi niya sa sarili.
Mula sa likuran ay mabilis niyang dinamba si Agatha. Nagpumiglas pa ito ng todo
– todo mula sa pagkakabaon ng kaniyang mga kuko. At upang hindi makawala ang
minamahal ay lalo niya pang hinigpitan ang pagkakakapit kay Agatha. Natanggal
pa ang ilang balahibo ng babae bago niya tuluyang maipasok ang galit na galit
na ari niya rito. Habang nasa kaloob – looban ng minamahal ang ari niya ay naisip
niyang muli ang librong Kama Sutra. Naalala niyang bigla na ito ang number 6 sa
libro. Dog Style. Ang natural na pagtatalik ng mga asong kagaya niya.
Hindi na pinansin pa ni Arthur ang
pag-iyak ni Agatha. Iisa lang ang importante na pumapasok sa isip niya habang
kinakasta ang kapitbahay na matagal niya na ring minamahal at pinagnanasahan.
Umiyak pa nang umiyak si Agatha. Bumilis naman nang bumilis ang ginawa niyang
pagbayo. Hanggang sa naisip niyang gawin ang number three sa librong Kama
Stura. Bumilis pa lalo nang bumilis ang ginawa niyang paggalaw sa likuran ni
Agatha. Una’y dahil sa pagmamahal. At ang ikalawa’y dahil sa galit na hindi
nagagawa ng mga asong katulad niya ang number three sa Kama Sutra. Sa gitna
nang pag-iisip ay hindi niya namalayang nag-iba na pala siya ng posisyon.
Nagdikit ang puwitan nilang dalawa ni Agatha. Pareho silang hindi gumagalaw. Sa
punto lang na iyon niya napagtanto na nakabuo sila ng isang numero. Number three
na nakaharap sa kalsada. Ang bagong number three na natuklasan niya. Ngunit
hindi pa rin siya nakuntento pagkatapos noon. Hindi kayang punan ng number
three na natuklasan niya ngayon ang number three na nasa libro ng Kama Sutra.
Pagkatapos ng ginawa niyang
pagkasta kay Agatha ay iniwan niya na ito. Bumalik na siya sa House no. 34 sa
takot na mapansin ng mga amo ang kaniyang pagkawala.
Ilang
araw pa ang nagdaan nang unti – unting napalitan ng higit pang pagnanasa ang
pagmamahal niya kay Agatha. Parati na lang iniisip ni Arthur ang nangyari noong
gabing makasta niya ito. Tinigil niya na ang pagsilip sa butas ng gate. Tinigil
niya na ang pagsamba kay Agatha at sa House no. 35. Palagi niya na lang iniisip
ang Number Three sa libro na Kama Sutra.
Kinabukasan
din matapos ang ginawa niyang pagkasta kay Agatha ay napuno ng ingay ang House
no. 35. Ingay ng pag-iyak at paulit – ulit na tahol mula sa minamahal. Hanggang
sa ang ingay ay napalitan na nang katahimikan. Nang minsang sumilip siya sa
gate ng bahay ay wala na roon ang dating minamahal na si Agatha.
Isang
malaking piraso ng karne ang hinagis ng mga nag-iinuman sa kabilang gate na
agad namang sinunggaban ni Arthur. Nginuya niya nang nginuya ang buto at
pinaglaro sa lalamunan. Para bang naroon ang sarap na matagal niya nang
hinahanap – hanap.
“Tingnan mo pre, yung aso hindi marunong kumilala ng
kamag-anak niya. Kainin ba naman ang kapwa?” Hindi na narinig ni Arthur ang
usapan na iyon dahil abala siya sa pagkain.
Pagkatapos ay narinig niya ang malalakas
na halakhakan. Nakangiti pa rin siyang nginangasab ang karne. Hindi niya
malalaman kahit kailan na nagawa niya pala ang isang bagay na matagal niya nang
inaasam. Ang number three.