Minsan ang blog na 'to ang pinagtatapunan ko ng mga sinusulat ko. Hal. Nareject na manuscript, hindi ni-revise na akda, o kaya mga letrang nangangarap na maging parte ng tula, kwento, dagli, kwentong pambata. Biro lang pala yung una dahil hindi ako tumutula. Sa isang salita isang malaking trash can 'ang blog na ito, yun e kung blog nga talaga ang tingin mo rito. Matagal akong tumigil sa pagsusulat at magbabalik ulit ako ngayon, siguro, wala pang kasiguraduhan. Parang buhay.
Monday, September 21, 2015
Pagbabalik
Umalis ako ng bahay matagal ng panahon. At alam kong kahit kailan ay hindi na ako makakabalik rito bilang ako. Iba na ang ako makalipas ang labing limang taong pambubugbog ng mga magulang ko. Masaya na ako sa buhay ko ngayon, walang nambubugbog. Walang magulang, pero namimiss ko rin si inay, kamusta na kaya siya? Ang mga kapatid ko? At yung kupal na amain kong walang ginawa kundi uminom at pumunta sa sugalan buong maghapon. Siguro oras na para puntahan sila. Pero ano naman kayang sasabihin ko? Anong ipapasalubong ko? Makikilala pa kaya nila ako? Habang nag-iisip ay tiningnan ko ang sariling repleksyon sa salamin, sinapo ko ng magkabilang kamay ang dibdib ko. Malaki. Malaki na nga ang pinagbago ko. Babaeng babae na ako. Si Mario ako noon, si Mary ako ngayon.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment