Minsan ang blog na 'to ang pinagtatapunan ko ng mga sinusulat ko. Hal. Nareject na manuscript, hindi ni-revise na akda, o kaya mga letrang nangangarap na maging parte ng tula, kwento, dagli, kwentong pambata. Biro lang pala yung una dahil hindi ako tumutula. Sa isang salita isang malaking trash can 'ang blog na ito, yun e kung blog nga talaga ang tingin mo rito. Matagal akong tumigil sa pagsusulat at magbabalik ulit ako ngayon, siguro, wala pang kasiguraduhan. Parang buhay.
Sunday, July 10, 2011
Adik sa facebook : Isang Rebyu
Nitong kamakailan lang ay may isang librong bigla na lang bumulaga sa atensyon ko , eto ang Adik sa Facebook na isinulat ni William Rodriguez III. Sa pabalat pa lang ng libro makikita mo na kung gaano inobserbahan ng naturang manunulat ang kaadikan ng bawat pilipino sa naturang social networking site , hinimay himay ang bawat parte ng facebook para makapagbigay aral, babala at magbigay kaalaman sa mga walang nalalaman. Sa librong ito pinakita ni William Rodriguez III ang isa sa kahalagahan ng facebook sa pang araw - araw na pamumuhay: para sa komunikasyon, pagkakaibigan at gamit sa paghahanapbuhay. Napabatid sa nasabing libro kung paano nagamit ng facebook ang pilipino (At ng iba pang lahi) at kung paano siya ginamit nito. Isang malupet na tagay kay William Rodriguez III!!!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment