Monday, August 23, 2010

BACKMASKED Songs? KALOKOHAN!!

Ang sarap talaga makinig ng mga kanta lalo na kung uso yung kantang pinapakinggan mo. Kung hindi niyo naitatanong bukod sa pagiging pari(wag kayong magulat… totoo yan) at writer pangarap ko din na maging singer. Balang araw. Kaso eto ako hindi biniyayaan ng magandang boses at kahit yata 4 na beses  pa akong uminom ng salabat sa isang araw ay wala nang magiging improvement. Ang dami ko nang nasabi kaya hindi na ko magpapaligoy-ligoy pa. Siguro nagtataka kayo kung bakitBACKMASKED SONGS ang gusto ko bigyan ng linaw. Eto na naman ako, nagpapagulo sa mundo niyong dati ng magulo. Sa mga taong hindi alam kung ano ang ibig sabihin ng backmasked na kanta. narito po ang napakasimple kong paliwanag.
Ang backmasked songs ay ang mga kantang pag pinatugtog mo nang paatras ay nagbibigay ng masamang mensahe. DAW,oo isang malaking daw. Subukan niyong makinig sa youtube ng mga backmasked magugulat kayo kasi kahit ang mga christian songs tulad ng who am i at solutions ay ginawan ng backmasked. Nakakainis di ba? (Nalaman ko lang po ang backmasked na mga kanta nung December 2009) Yung napakasarap ng pakikinig mo tapos may mala demonyo pala sa kanta. Yung mga masasamang mensahe  ang ibig kong sabihin.
Eto ko ngayon para ipagtanggol ang mga kawawang singer na nagpapakapuyat mag isip para gumawa ng magandang kanta na ikakasaya ng buong bayan , pero ano ang kinalalabasan masama… MASAMA, oo nagiging masama ang imahe nila. Bobo lang ang mga taong naniniwala sa mga walang kwentang backmasked songs (dati naging bobo din ako) at ang pinakabobo sa lahat eh yung mga taong patuloy na naninira sa industriya ng musika. Sa tingin niyo gusto ba ng mga singer at composer na masira ang pangalan nila ng dahil lang sa walang kwentang musika? HINDI di ba? Sino sa kasaysayan ng musika ang gumawa ng kantang may masamang paliwanag pag binaligtad? WALA.. talagang wala.. Sa tingin niyo alam ba ng mga singer na pag binaligtad ang kanta nila ay may masamang mensaheng kalakip nito? Tsk… Tsk.. TSK.. mag isip nga kayo ng mabuti..
Hawak-kamay
Di kita iiwan sa paglakbay
Dito sa mundong walang katiyakan
Hawak-kamay
Di kita bibitawan sa paglalakbay
Sa mundo ng kawalan

Pati ang kantang yan may backmasked.. kainis.. (Pero katulad ng sinabi ko kalokohan ang  mga BACKMASKED SONGS!!)
Sa mga may komento sa sinulat ko, malaya ko poh kayong pinapahintulutan sa ano mang opinyon na nais niyong sabhin. ^_^

No comments:

Post a Comment