Monday, August 23, 2010

Tsismis!

Hindi ako makapag-isip kung paano sisimulan ang kwento. Ang ingay na naman kasi ng mga tao sa paligid ko. Ang hirap mag isip. Lalo na pag dumating yung oras na lumulutang yung isip mo sa pagiisip sa isang bagay at hindi sa bagay na ginagawa mo.
Napapansin ko sa mga tao sa amin, araw-araw na lang silang nag-iingay , nakakairita , pero mas maganda kung sasabihin kong naaaliw ako , ayoko maging plastic. Oo, naaaliw ako makarinig ng tsismis, Tsismis  mula sa kapitbahay namin na walang sawa sa pagbibigay ng walang kwentang tsismis kahit nagmumukha na siyang tanga. Pero sino ba talaga ang nagpasimula ng tsismis? Bakit may mga taong walang ginawa kundi makipagtsismisan? Bakit nagkakalat ang mga tao ng mapaminsalang tsismis? Bakit may mga babaeng magkakapilang nagkukutuhan habang nagtsitsismisan? Bakit meron na naman akong naririnig na tsismis?
Ewan, hindi ko alam ang sagot sa mga tanong na yan… At kung ako sa’yo hindi ko na nanaisin na malaman pa ang sagot sa mga nasabing tanong.
Narito ang ilan sa mga katotohanang natuklasan ko tungkol sa salitang tsismis.
- Hindi lahat ng tsismis masama
- May mga taong sumikat ng dahil sa tsismis
- Pwede kang hampasin ng nanay mo ng  walis tambo sakaling mahuli kang nakikipagtsismisan
- Nagiging msama lang ang salitang tsismis , depende sa taong nagkukuwento at sa taong pinagkukuwentuhan mo
- May mga taong kumakain ng kuto at buhok habang nakikipagtsismisan
- Pwedeng humantong sa korte ang pagkakalat ng maling tsismis
- Walang kwentang katsismisan ang bulag,pipi at bingi (kung nag iisip ka)
- Nagsisimula ang salitang tsismis sa letrang “C” (pero imbento ko lang yan)
- May mga magulang na nag aaway away dahil sa isang walang kwentang tsismis
Tulad nga ng sinabi ko may mga tao lang talagang walang magawa, kaya gumagawa sila ng apraan apra may magawa. Tsismis  yan ang libangan ng mga tao sa amin. Ang dahilan, Hindi ko alam (lagi naman eh). Maaaring maraming maging dahilan, Pwedeng gusto lang nilang manira ng buhay, Magkalat ng mabuting balita, Magkalat ng kaniya kaniyang baho , kumkain ng kuto o kaya’y para hindi mapanisan ng laway. Ikaw anong dahilan mo? Bakit mo sinasabi ang sikreto ng kaibigan mo sa iba? Bakit mo kwinento na tumae si ______? Bakit mo sinabing may gusto sa kanya si ______ , Kahit alam mong wala naman? Bakit ko kwinento sa nanay ko na bumili ang maga kaibigan ko ng ______? siyempre , para magbigay alam..
Kahit anu pa mang tsismis ang kumalat sa sanlibutan, Naniniwala ako na ginagawa ng tao ang tsismis dahil sa napakaraming dahilan. At kung ano man ang mga dahilan na yun wala kong pakialam.

No comments:

Post a Comment