Monday, August 23, 2010

Poser daw ako?

Facebook , Friendster ,Tagged yan ang mga sites na madalas ko gamitin… Wala lang sinasabi ko lang. Nakakaasar. Wala kasi akong maisip ngayong gabi na isulat sa pahina ng aking pinakamamahal na blog. Bukod sa pamagat sa itaas na nasusulat ng ganito “Poser daw ako?” Eto yung isa sa bagay na kinaiinis ko ang pagkamalang posero. Sa dinami dami kasi ng tao rito sa mundo ay hindi ko inaakalang isa ko sa mapapabilang na magawaran ng posero award of the year (kung meron mang ganung parangal). Iniisip ko tuloy kasalanan ko ba kung bakit ako pinanganak ng ganito? Ewan,hindi ko alam ang sagot sa tanong na yan.
Sa pagtambay ko sa Facebook ,Friendster, Tagged ay iba’t ibang tao na ang nakasalamuha ko. Sira-ulo , luko-luko, mabait, masungit, isnabero , isnabera, plastic,bolero at bolera pero ang hindi ko malilimutan sa lahat ay ang posera (babae po siya , pasensiya poh sa ibang maaapektuhan) Oo, huwag na kayo mag- isip dahil totoo ang sinasabi ko.  Yun nga lang hindi ko alam kung may posero din (lalaking posers)
Facebook – dito ko nakilala si poser number one.. (pilipina)
Friendster – dito ko nakita ang lipunan ng posers (marami na sila)
Tagged – Tago ang posers (walang kwenta ang posers sa site na ito dahil huli sila sakin ,yun nga lang minsan naloloko pa rin ako)
Hindi ko alam kung pano maipapaliwanag ang kahulugan ng posers sa sarili kong salita dahil ang pagkakaintindi ko sa posers ay ang pag gamit ng litrato ng iba. O mas maganda sabihing impostor. Nagtataka ko sa mga posero at posera. Bakit? Mapapansin mo karamihan niyan pilipino, ikinahihiya na ba ng karamihan sa atin ang ating lahi, Bakit kailangan gumamit ng litrato na hindi naman sa iyo? Ikinahihiya mo bang pinanganak ka sa mundo? Bakit mo ikinahihiya ang sarili mo? Ilan lang yan sa mga tanong na naiisip ko pag nakakakita ko ng poser.
Ang totoong gusto kong linawin eh ,bakit ang ibang tao sa iba’t ibang panig ng mundo tanggap nila kung sino at ano sila? Hindi sila nahihiya na ipakita ang ganda ng lahi nila. Kasi malakas ang loob nila. Palakasan lang naman ng loob yan eh kung mahina ang loob mo ikaw mismo ang nagpapahina diyan kaya ikaw rin ang may kakayahang magpalakas niyan. Sinasabi ko ang mga bagay na ito sa blog ko dahil ayaw kong kilalanin ang pilipino na isang dakilang posero. Pumunta ka sa mga Sites na binanggit ko , makikita mo ang malaking kaibahan ng pilipino sa iba’t ibang tao sa panig ng mundo.
Ako: Uyy.. ayos yung pic nito oh..
Kaibigan: Oo nga no? Ang pogi (paraan ng panlalait niya) hahaha
Ako: HaHAHAHAHa
Dito ko naisip na dapat ba talagang pagtawanan ang tao base sa kanyang pisikal na kaanyuan? O ang mga poser ang dapat pagtawanan dahil kailanman di nila kinilala ang sarili nila bilang sila? Nakakahiya man sabihin pero mas bumibilib ako sa ibang lahi sa parteng ito kasi isipin mo kahit anung kulay ng balat nila , kahit pangit sila , hindi  na mahalaga yun, kasi sa tingin ko masaya na sila na makilala kung anong meron sila. NA WALA TAYO.
May nabasa nga ako na nagsasabi ng ganito..

Walang taong panget. Nagkataon lang na yung mukha nila eh hindi “USO” at hindi “IN”.

Ang masasabi ko lang eh, maging kontento tayo sa kung anong meron tayo ngayon, huwag maghangad ng sobra. Lahat naman ng bagay may ending eh.. Malay mo pangit ka lang ngayon. Tapos sa next life mo maganda ka na.. haha,
At higit sa lahat ipagmalaki kung ano ka. Parang nabitin ako sa pagiisip.
KAIBIGAN: lol, huwag ka na umangal posero ka!
Ako: ^_^ hehe (ano ba yung posero?)

No comments:

Post a Comment