Monday, August 23, 2010

Inlove ako..

Ilang araw na kong puyat.. kakaisip..  hindi ko naman alam kung bakit ako nag iisip.. ng mga bagay na hindi ko madalas gawin bago ako matulog.. resulta.. PUYAT… buong isang linggo ganito ng ganito. ang nangyayari.. isip.. isip .. ISIP..
Ngayon ko lang nalaman na mahirap pala mag isip.. bakit? Ngayon isipin mo.. ganito kasi ang problema.. yung tipong ayaw mong isipin ang isang bagay.. pero kahit anung gawin mo yun at yun din ang pumapasok sa isip mo..  wala nang paligoy ligoy pa sasabihin ko na ang tunay kong problema.. saglit lang eto na nga ehh.. kung inaakala mong insomniac ako nagkakamali ka..
Mahirap pala talagang tamaan ng pana ni kupido, yung  parang gusto mong ilagan pero hindi pwede kasi nandyan na…  tumama na..  huwag kayo mag alala hindi ito ang first time na nangyari to sa kasaysayan ng buhay ko…. nagyari na ito nung nasa elementarya pa lang ako. Kinalabasan TUKSO.. tuksuhan.. talo ka pag naasar ka .. yan ang masarap sa elementarya papapakin ka ng mga kaklase mo pag nalaman nila kung sino ang napupusuan mo..  Pero ngayon nasa kolehiyo ko.. mahirap.. anak ng bagoong.. tinamaan pa yata ko ng.. lintik na pag ibig..     At ….. At… sa hayskul student pa...  pambihira nga naman kung kailan pa kinalimutan mo na ang salitang pag ibig.. saka ka dadalawin at guguluhin.. Kung kailan inaayos muna ang buhay mo..  Kung kailan nagpaka emo ka na..  saka pupunta sa puso mo kakatok.. pero wala kang kasiguruhan,, kung yung kumatok na yun eh..  Si Mr.Love/Ms.Love….. hirap di ba? ganyan talaga siguro ang buhay … weather weather lang..  kung hindi para sayo pakawalan mo.. kung sayo kunin mo.

No comments:

Post a Comment