Monday, August 23, 2010

Hostage taking. . .

Madalas na mangyari ang ganito , hindi na iba sa atin ang mga pangyayari sa tuwing magkakaroon ng hostage taking. Bawat hostage taker ay may kanya kanyang dahilan kaya nila ginagawa ang mga bagay na yan. Natural na sa atin ang paghingi ng pagbabago sa pamamalakad ng pamahalaan, maibalik sa trabaho at kahapon lang ika 23 ng Agosto  nangyari ang isang madugong hostage taking na kumitil sa 9 (pero may nagsasabing 8) na chinese na sakay ng isang tourist bus.
Halata bang nasobrahan ako sa panunuod ng balita? Tumagal ang hostage taking ng 12 oras.

Ooops. Tumigil na tayo sa usapang yan. Kahapon habang nanunuod kami ng balita para malaman ang bawat detalye ng pangyayari sa nasabing hostage taking. Iba-ibang emosyon ang nakita ko sa bawat tao sa bahay namin, kasama na doon ang mga kapitbahay namin na nanunuod (parang nanunuod lang sila ng pelikula) May naiinis (banas sa bagal ng aksyon ng mga kapulisan) may nagpipiling (sana sya na lang daw yung pulis) may nag aalala (eto yung mga mababaet nating kababayan).

Sa kabilang dako naman, napapansin nila mama, tito, tita, mga kapitbahay at ako ang kakulangan sa pagpaplano ng mga pulisya na animoy sasabak ng giyera kahit na walang mga sandata.
Hindi din naman maaaring sisihin ang kapulisan, meron din silang mga kamag anak na nag-aalala para sa kanila. Kaya naisip ko na kailangan talaga ng ibayong pag iingat sa paggawa ng mga delikadong misyon.

Balik sa kakulangan ng pagpaplano ng pulisya ,oo, totoong kulang sila sa pagpaplano. "Wala silang crowd control" wika ng isang  nagngangalang jimmy santiago. Hmpt. Parang nayabangan ako sa tono ng pag sasalita niya, wala kong masyadong kilalang tao sa mundo ng hostage taking.
Mayamaya biglang nagsalita si Ted Failon, sa mga hindi pa nakakakilala sa taong ito siya ay dating member ng SWAT. (wow! eh anu ngayon?)
ahhh.. "Judge ilan na po bang hostage taker ang naitumba niyo?" Tanong ni Ted(hindi ko masyadong kabisado ang mga tanong pero sigurado akong malapit yun sa mga pinagsasabi ko)


(matagal bago sumagot)

mga 20 siguro Ted (Wow, totoo kaya yung bida sa golgo 13?)

Marami na namang nasira sa bansang Pilipinas. Turismo. Para kasing nagiging laganap na ang terorismo sa bansa. Malamang bilang na mga Intsik na lang ang magbabakasyon dito sa pilipinas.
Tingin ko nasira din ang imahe ng mga kapulisan ng dahil sa pangyayaring ito.
Wala naman akong malawak na salitang nais iparating maliban sa ,HUWAG TAYO MAGHUSGA NG KAPWA BASE SA KANILANG GINAGAWA, BAWAT TAO MAY DAHILAN AT MAY SARILING ISIP.


NAPAKATAGAL NA PALA BAGO KO NAKAPAGSULAT.

No comments:

Post a Comment