Tuesday, August 24, 2010

Mangmang nga ba?





Kahapon may isa na namang bagay na nangyari na tumanim sa isipan ko sa loob ng isang gabi. Matapos mangyari ang madugong hostage taking , matapos maisulat sa blog na ito ang katiting na pangyayari at matapos kumain ng hamburger kasama ang isang kakilala. Habang nanunuod sa mga batang aliw na aliw sa paglalaro ng mga gagamba , pasimple kong itinapon ang plastic ng kinain namin. Hindi sa basurahan kundi sa esterong katapat namin (mabaho). Pero mas mabaho ang narinig ko sa kasama ko ng makita niyang itinapon ko ang plastic.

]  "Isa ka rin sa mga mangmang na Pilipino". Siyempre ako yung taong hindi sanay mgpatalo kaya ipinaglaban ko ang panig ko. "Ngayon lang naman ako nagtapon ng basura ah, wala kasi akong makitang basurahan."  


"Kahit anu pang idahilan mo pagtatapon pa rin yon"  
Siyempre hindi na ko nagsalita alam kong talo na ko sa puntong yun. Tama siya mangmang nga siguro ang iba sa ating mga pilipino , kasama ako sa mga mangmang na yun.  Sa isang lugar may nakalagay na Bawal magtapon ng basura dito , pero kahit san ka lumingon sandamakmak na basura ang makikita mo. BAWAL TUMAWID , may tumatawid isang aso at ang kanyang amo pero di mo matutukoy kung sino ang hayop sa dalawa. Kung titingnan mo maliit lang na bagay ang pinaguusapan dito. isang maliit na bagay na pwedeng makapagpabago sa imahe ng mga pilipino.

"Kaya siguro hindi nawawala ang mga kalat ng lipunan."
"Siguro dahil na rin to sa kamangmangan ng mga pilipino."
"Sama sama nating tanggalin ang mga kalat ng lipunan na nagiging dahilan ng pagbaha na patuloy na nagpapahirap sa mga mangmang na pilipino."




Marami nang kalat. Huwag ka nang dumagdag pa.

2 comments: