Monday, August 23, 2010

May kawirduhan nga ba?

Kausap ko ang isang kaibigan , Nagkukuwento ko ng tungkol sa blog ko. Blah..BLAH..BLaH..blah.. Pagkatapos ng pagkahaba haba kong kwento , na hindi na kailangang sabihin pa dito. Nagsalita na din ang tuod na kausap ko.. haha  May nagsabi sakin yung mga writer daw na yan mga siraulo. Sino nagsabi? Teacher niya.  Siyempre hindi pumayag ang bida , kinontra ko yung sinabi niya. Sabi ko kung siraulo ang mga writer , Bakit maraming tao ang nahumaling sa libro nila? Ibig mong sabihin siraulo yung author ng Harry Potter? (pero hindi ko na sinabi ang tanong na yan)
Natapos ang diskusyon , ako ang nanalo , binawi ng loko ang sinabi niya , wirdo daw ang ibig niyang sabihin. May mga kawirduhan daw halimbawa na lang may mga write na hindi makapag – isip pag maingay ang paligid o kaya hindi sanay na walang kape pag nagsusulat. Naisip ko tuloy kung may kawirduhan ang bawat manunulat sa buong mundo , Ano kaya ang mga kawirduhang yun? Nagbibilang ba sila ng tupa habang nagsusulat? Nanunuod ba sila ng adult movies habang nag iisip ng kwento?
Sa akin lang amasasabi ko lang eh lahat naman ng tao may kawirduhan. Yun nga lang lumalabas lang ang  mga kawirduhang yun sa ibat ibang sitwasyon at sa eksaktong panahon.

No comments:

Post a Comment