Monday, August 23, 2010

BAWAL BASAHIN

tumawid_sa_bawal
Ang kulit talaga may nakasulat na nga na bawal basahin . Binabasa mo pa rin . Yan ang problema sa mga pinoy eh.  Pero hindi ko alam kung sa pilipinas lang may mga ganitong uri ng tao. MAKULIT..  O mas magandang tawagin na PASAWAY.
May kasabihan nga tayona kung ano ang bawal yun ang masarap gawin. tama nga naman.BAWAL UMIHI DITO” siguro naman nakabasa na kayo ng mga ganito sa mga tabi tabi at kalye.. BAWAL MAGTAPON NG BASURA DITO!! WALANG TAWIRAN NAKAMAMATAY. Pero may nabasa ko dati na ganito ang pagkakasulat.. WALANG TAWIRANG NAKAMAMATAY.  Subukan niyo intindihin diba  parang may mali? OO, may mali talaga.  Mahirap ba talaga pairalin ang disiplina sa ating mga sarili o sadyang matigas lang talaga ang mga ulo ng mgsa pilipino? Huwag kayo mag- alala, hindi ako nag peplaying safe dito.  Gumagawa rin ako ng bawal.  Kasi nga masarap.  Pero pwede naman iwasan ang mga bawal kung gugustuhin mo. Yun nga lang nasasayo ang pagbabago sa sarili mo.  Kung gusto mong magbago. Kung ayaw mo e di wag mukhang masaya ka naman kung ano ka ngayon ehhh.
Mapunta tayo sa bawal. Oo, bawal. alam niyo naman siguro kung ano ang bawal na gamot? Tama eto yung puting pulbos na pagpumasok sa katawan mo unti-unti kang gagawin nitong demonyo.  Yung binebenta ng Mamang  kahina hinala.  Siguro hindi na kayo magtataka kung bakit madami ang lulong sa BAWAL NA GAMOT.  UNA curiosity, gusto subukan  kahit alam naman na nakakasama sa katawan. May narinig na nga sa radyo na mag- ingat sa bawal na gamot. Pero eto si totoy naghahanap ng bato.  Kung saan saan.. PANGALAWA.. kasi nga bawal.  kaya masarap gawin. Ay gamitin pala.
Yan ang pinoy numero uno sa pagpapasaway.  Tsk..tsk.. tsk..  pano next taym ulit.  Ang kulit mo eh. nakasulat na nga na bawal basahin binasa mo pa rin.

No comments:

Post a Comment