Monday, August 23, 2010

Bulong..

Minsan pag nakakakita tayo ng mga taong nagbubulungan naiinis tayo. Tama ba ako? Oo,nakakainis talaga ang ganyan. Halimbawa , dadaan ka, Nakita mong may nagbubulungan. Siyempre, Aakalain mo na ikaw ang pinaguusapan nila. Yung tipong titingnan ka pa. Tapos yung itsura parang kakainin ka ayan ang nakakainis. Pero mas maganda kung alamin muna natin ang puno’t dulo ng lahat bago humantong sa away ang ganyang sitwasyon.  Malay natin kaya ka pala pinagbubulungan kasi crush ka nila o kaya merong kakaiba sayo. Pero kung kaparehas mo ng kasarian ang nakita mong nakikipagbulungan. Patay tayo diyan. LETS GET READY TO RUMBLE!! Kunwari lang, mas mabuti pa ring daanin ang lahat sa mabuting usapan. Hindi na ko magpapaligoy pa sisimulan ko na ang kuwento na naranasan ko. WARNING THIS IS A TRUE STORY.
Lunes umaga, Bagong gising ang kuya niyo. Hilamos,toothbrush,kain ng almusal. Pagkatapos diretso sa computer shop. Sakto walang tao bukod sa dalawang babae (wala kong binabalak na masama)  UPO, “20 mins. nga poh” sabi ko. Pwede kasi samin gumamit ng 20 mins. sa paglalro ng computer. Bukas ng google chrome, punta sa facebook, LOG IN, bukas ng panibagong tab. YOUTUBE.COM. Apology by alesana agad ang pinatugtog ko  inaantok pa kasi ako ng mga oras na yun.  WAaaAaH..weehh..WAAHH..  Yan ang paborito ko sa kantang yun sigawan. Habang nagpapatugtog ako, may naririnig akong mga ritual. Ewan ko kung gutom pa ko ng mga oras na yun. Pinatugtog ko uli, eto na naman, tumingin ako sa katabi kong dalawang babae( Hindi pala katabi kasi may isang agwat na computer sa pagitan namin). Pinakiramdaman ko, bumubulong yung isa sa kasama niya, tumawa. Naisip ko na ako na ang pinagtatawanan ng dalawang babae, ANU BANG MERON SA KANTA KO? sa isip-isip ko.  Sinabunutan ko yung babae, pinag-untog ko sila(pero lahat ng yan ay iniisip ko lang).
Nung nakaraang gabi ko lang nalaman na kaya pala ko pinagtatawanan eh dahil sa pinapatugtog ko na kantaSCREAMO daw.  Sinabi din naman sakin ang dahilan kaya ayos lang. Tapos nabalitaan ko nalang na ginaya ng babaeng tawa ng tawa yung kantang yun. Haha, pasaway.
Manong, di ba sa bulungan kayo namamalengke?  Oo, bakit?  Pano ba kayo namimili ng mga paninda niyo dun? Siyempre nagbubulungan kaya nga BULUNGAN EH. wehh.. corny si manong pero tumawa na lang ako para hindi naman siya magmukhang tanga

No comments:

Post a Comment