Monday, August 23, 2010

Untitled

Lalaban pa ba ako? Yan ang tanong na pumapasok sa isip ko sa tuwing nagkakamali ako sa mga desisyong pinili ko , sa tuwing nagiging mali ako sa kabila ng pagtatama ko sa sarili ko. Bakit kailangan ko pang itama ang isang bagay na sa umpisa pa lang alam ko na , na ako pa rin ang lalabas na mali. Bakit sila lagi ang tama? Bakit ako lagi ang lumalabas na mali? ang may kasalanan ng lahat?
Yari na naman ako nito sa isip-isip ko. Tingin sa cellphone para sa time check. Alas dose na. Alas dose ng gabi. Katok sa pinto , na sinundan ko pa ng isa pang katok. Katahimikan. Katakot takot na katahimikan. Bakas sa mga mata ni mama ang pag-aalala. Pagkabukas ng pinto , bumalik na si mama para matulog ulit , samantalang ako , KAIN. Inaalala parin ang mga pangyayari kanina.  Pero nag aalala sa sermon na darating pagsapit ng umaga. Hindi ako nagkamali nagkaroon nga ng sermon , sermon na mas matindi pa sa sermon ng pari. Masakit man tanggapin pero totoo ang mga narinig ko.
Nakakapikon man pero eto na naman ako gumagawa ng araw-araw na routine. Gising ,  Kain , Bili ng lutong ulam (na walang kasiguraduhan kung malinis) , Kain , Ligo at pasok sa eskwelahan. Pagkatapos na pagkatapos ng klase. Uwi kaagad ang destinasyon ko depende na lang kung may magyayayang gumimik. Pagdating sa bahay. Ang paghuhugas ng pinggan. (Masuwerte ka kung hindi mo ginagawa ang bagay na to)
Ewan ko ba kung bakit sa dinami dami ng mga taong nasa bahay namin eh sa akin lagi natatapat ang sandamakmak na hugasan , kung babae lang ako , malamang mas naging kawawa ako. Isipin mo galing kang eskwelahan , Pagod ka kakaisip kung pano mangongopya sa darating na eksam , Pagod kakaupo na nagiging dahilan ng mga sirang upuan at kakaikot para makakuha ng maisasagot. Tapos pagdating mo sa bahay niyo aabutan mo sila kutsara , tinidor , plato , baso ,mangkok at kaldero may kanya kanyang pwesto. Nakakalat sa lababo. Kung nagsasalita lang ang mga bagay na yan ,  siguro laging maingay ang bahay namin.
Lagi na lang ganyan. Araw-araw , kung mahina kong tao siguro matagal na kong sumuko sa mga hamon ng buhay ko. Mabuti na lang naimbento ang inspirasyon. Pero sino ang nakaimbento nun? Hindi ko alam. Malaki ang tulong sa atin ng mga inspirasyon natin sa buhay. Nagiging malakas tayo sa kabila ng lahat ng mga paghihirap na nangyayari sa buhay natin. Malaki ang tulong niyan lalo na sa mga taong hinahatak pababa ng sarili niyang kahinaan. Pero kung wala kang inspirasyon , hindi ko alam kung anong maaaring mangyari. Ikaw ano ang inspirasyon mo? Sino ang inspirasyon mo?
Inaaliw ko na naman ang sarili ko sa pag-iisip ng mga bagay-bagay. Mga bagay na pinapasaya ako sa tuwing naaalala ko. Mga bagay na hindi kaya burahin ng kahit na sino pang tao. Pero alam mo kung ano ang pinakamasarap?  Eto yung pagkakataon na makita mo lang ang mahal mo kahit sa sandaling minuto o segundo , nagiging masaya ka na. Mababaw di ba? Pero maaaring isa yan sa mga katotohanan kaya ka napapangiti nagayon. Ako makita ko lang ang mahal ko masaya na ako. Pero ang tanong masaya kaya siya pag nakikta ako? Hindi ko alam.  Eto ang mahirap sa parte ng pagmamahal eh, Mahal mo siya , pero hindi mo alam kung mahal ka niya.
Ngayon unti-unti na kong nakakakita ng liwanag, Liwanag na nagbibigay sakin ng lakas para ipagpatuloy ang nasimulan ko. Isang taong naging laman ng puso at isip ko. Taong naging batayan ng unti-unti kong pagbabago. Hindi ko man alam ang sagot ngayon , handa akong maghintay kahit gaano pang katagal na panahon. Sa isang babaeng naging dahilan para magising ang matagal ng namayapa. Ang aking puso. haha

No comments:

Post a Comment